Antibody na epektibo sa maraming variants ng COVID-19 virus, nakita sa lab

Mga salikseekers ng Washington University School of Medicine in St. Louis ay may nakitang antibody na maaaring mabisa laban sa maraming COVID-19 variants. Ang antibody ay kumakapit sa parte ng virus na madalang magbago at hindi kaiba sa iba-ibang mga variants.

Ang COVID-19 virus ay malamang mag-e-evolve pa at ang mga kasalukuyang antibodies ay maaring mabisa sa iilang variants lang pero hind sa lahat, ayon sa may akdang si Michael S. Diamond, MD, PhD, the Herbert S. Gasser Professor of Medicine.

Ang SARS-CoV-2 virus na nagdudulot ng COVID-19 ay gumagamit ng protein spike na kumakapit sa cells ng respiratory tract. Ang ginagawa naman ng antibodies ay pinipigilan ang spike na kumabit sa cells para ma-neutralize ang virus. Karamihan ng variants ay nakakapag-mutate sa spike genes para makaiwas sa mga antibodies na nagmula sa original strain.

Para mahanap ang pinakamabisang antibodies, nag-immunize ang mga researchers ng mga daga gamit ang parte ng spike protein na receptor-binding domain. Nag-extract sila ng antibody-producing cells para makuha ang antibodies na nangingilala ng receptor-binding domain. Siyam sa mabibisang 43 antibodies ay muling sinubukan sa mga daga. Dalawa sa pinaka-epektibo naman ay sinubukan sa alpha, beta, gamma, delta, kappa, iota at iba pang di pa pinapangalanang variants. Isa sa sa mga antibodies, ang SARS2-38, ay kinakitaan ng kakayanang na ma-neutralize lahat na variants.

Nakita rin sa eksperimento na ito kung saan ang mismong lugar sa spike protein kung saan pumapasok at kung saan din maaaring mawala ang bisa ng antibody.