Araw-araw na pakikisalamuha, pinapabuti cognitive functions ng senior adult
Sa isang pag-aaral na nilathala sa PLOS ONE, kinakitaan ang mga senior adults na edad 70-90 ng mas mahusay na cognitive performance pagkatapos ng kaaya-ayang pakikisalamuha.
Ayon sa lead researcher na si Ruixue Zhaoyang ng Center for Healthy Aging sa Penn State, ang pag-aaral ay nagpapakita ng benepisyo ang pakikisalamuha. Dagdag pa nya, agaran ang magandang epektong ito na umaabot hanggang ilang araw.
Sa pagsasaliksik nila, kinuha nila ang datos ng 312 senior adults sa loob ng 16 na araw sa pamamagitan ng smartphones. Ang mga senior adults ay hiningan ng report tungkol sa kanila pakikisalamuha ng limang beses kada araw. Bingyan din ang mga lumahok ng pagsusulit na sinusukat ang kanilang processing speed at atensyon, spatial working memory, at intra-item feature memory binding.
Nakita sa resulta na maganda ang cognitive performance ng mga kalahok na seniors na may madalas na pakikisalamuha sa kapamilya o kaibigan na kasama sa bahay o komunidad. Sinasabi rin sa research na ito ang halaga ng araw-araw o madalas na kaaya-ayang pakikisalamuha para maibsan ang panganib ng cognitive decline, Alzheimer’s disease, at mga sakit na kahalintulad sa dementia.
PHOTO: 志涛 张, CC BY-SA 4.0