Heartburn meds mabisa sa COVID-19?
Marami-rami ang COVID-19 survivors sa Wuhan na may malalang heartburn, kaya pinag-aaralan ngayon kung may koneksyon at mabisa nga ba ang mga gamot sa heartburn laban sa COVID-19 virus. Karamihan sa mga nasabing dating pasyente ay umiinom ng famotidine, isang key ingredient ng Pepcid.
Dahil dito, tiningnan ng isang international team sa pangunguna nila Phil Bourne at Cameron Mura ng University of Virginia ang milyon-milyong records ng mga COVID-19 patients sa 30 bansa. Ayon sa imbestigasyong ginawa nila at nilathala sa Signal Transduction & Targeted Therapy (Nature publishing group), nakita na kapag iniinom ang malaking dosage ng famotidine (katumbas ng 10 Pepcid tablets) at aspirin ay mas tumataas ang tsansa na maka-recover ang pasyente sa COVID-19. Nakita rin na napipigilan ng gamot ang paglala ng sakit at ma-intubate pa ang pasyente.
____
SOURCE: Mura, C., Preissner, S., Nahles, S. et al. Real-world evidence for improved outcomes with histamine antagonists and aspirin in 22,560 COVID-19 patients. Sig Transduct Target Ther 6, 267 (2021). https://doi.org/10.1038/s41392-021-00689-y