Injectable hydrogel para sa sirang cartilage, naimbento
Isang grupo ng mga researchers sa China ang nakagawa ng hydrogel na maaaring ilagay sa damaged cartilage. Ang hybrid photocrosslinkable (HPC) hydrogel ay gawa sa photoinitiated radical polymerization at photoinduced imine cross-linking.
Ayon sa report ng lab tests na nalathala sa Science Advances, ang hydrogel ay maaaring ilagay sa scaffold na maaaring ihugis ng maliit at isingit sa pamamagitan ng ineksyon sa masisikip na lugar. Ilalagay ang gel sa scaffold at maaari na itong patigasin sa loob ng 10 seconds sa pamamagitan ng ultraviolet light. Magsisimulang ang pagtubo ng bagong cartilage sa hugis bituin na scaffold.
Dahil sa ultrafast gelation o mabilis na pamumumuo at sa nakitang tibay nito, maari raw itong gamitin ng diretsahan sa fluid-irrigated arthroscopic surgery. Ang bagong development na ito ay nakikitang makakatulong para sa pagsasayos ng mga sira o pudpod nang cartilage na di mangangailangan pa ng surgery.
PHOTO: Yujie Hua, Shanghai Jiao Tong University School of Medicine.