Kolesterol, umaayuda sa pagkalat ng cancer cells
Ang breast cancer cells ay ginagamit ang kolesterol para maka-develop ng tolerance sa stress ng paglilipat-lipat mula sa orihinal na tumor, ito ay ayon sa bagong pagaaral ng Duke Cancer Institute. Mas madalas namamatay daw ang cancer cells dahil sa ferroptosis o stress ng pag-memetastize o pagkalat. Pero pwede nitong kayanin ang stress dahil naaayudahan ito ng kolesterol.
Ang pag-aaral na ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagpanatili ng maayos na level ng kolesterol sa pamamagitan ng paggagamot o pagsasaayos ng diet para maiwasan ang mga sakit-sakit. #health #healthcare #salikseeker