Kahit minsanang vaping, dulot ay cellular oxidative stress

Ang minsanang paghithit ng vape sa loob ng 30-minuto ay sapat na para pataasin ang peligro ng cellular oxidative stress, ayon sa nilathalang pag-aaral sa JAMA Pediatrics. Ang cellular oxidative stress ay nangyayari kapag hindi maproseso ng katawan ang free radicals o molecules na sumisira sa cells. Ayon sa may-akda na si Dr. Holly Middlekauffng David Geffen School of Medicine sa UCLA, ang imbalance raw na ito ay maaring magdulot ng mg sakit tulad ng mga cardiovascular, pulmonary at neurological diseases sa paglipas ng panahon.

Ang nasabing research ay gumamit ng randomized clinical crossover trial sa 32 lalaki at babae na may edad 21 to 33 taong gulang. Hinati sa tatlong grupo (nonsmokers, regular na naninigarilyo at regular na vaper) at tiningnan ang immune cells ng mga subject pagaktapos na kalahating oras na gamit ng e-cigarette. Ginawa rin ang isang control session na puro puffing lang at walang paglanghap o paglunok ng usok. Nakita ng mga researchers na 2 hanggang 4 na beses ang oxidative stress sa non-smokers habang walang pagbabago naman sa mga regular na smokers at vapers.

PHOTO: Amin, CC BY-SA 4.0