salikseeker

Balitang medisina, agham at teknolohiya.

Kinakitaan ang mga senior adults na edad 70-90 ng mas mahusay na cognitive performance pagkatapos ng kaaya-ayang pakikisalamuha.

PHOTO: 志涛 张, CC BY-SA 4.0

Mga researchers sa China ay nakagawa ng hydrogel na maaaring iineksyon sa mga nasirang cartilage.

PHOTO: Yujie Hua, Shanghai Jiao Tong University School of Medicine.

Ang minsanang paghithit ng vape sa loob ng 30-minuto ay sapat na para pataasin ang peligro ng cellular oxidative stress, ayon sa nilathalang pag-aaral sa JAMA Pediatrics.

PHOTO: Amin, CC BY-SA 4.0

Dapat ayusin daw ang mga estante sa mga supermarket para mas madaling mapili ang mga pagkaing mas nakakalusog, ayon sa pag-aaral ng team sa MRC Lifecourse Epidemiology Centre ng University of Southampton.

PHOTO: formulatehealth, CC BY 2.0

Nadiskubre ng mga salikseekers ng Purdue University ang TCF-1, ang gene na may kinalaman pala sa pagkontrol ng TREG cells.

PHOTO: George Plitas and Alexander Y. Rudensky, CC BY 4.0

Mga salikseekers ng Washington University School of Medicine in St. Louis ay may nakitang antibody na maaaring mabisa laban sa maraming COVID-19 variants. Ang antibody ay kumakapit sa parte ng virus na madalang magbago at hindi kaiba sa iba-ibang mga variants.

Dahil sa marami-rami ang COVID-19 survivors sa Wuhan na may malalang heartburn, pinag-aaralan ngayon ang koneksyon ng mga panggamot sa heartburn laban sa virus. #resbakuna2021 #COVID19 #health #salikseeker

Ang mga low-sodium na salt substitutes ay walang masamang epekto sa katawan ayon sa isa ng pagaaral na nilimbag sa New England Journal of Medicine.

Ang breast cancer cells ay ginagamit ang kolesterol para maka-develop ng tolerance sa stress ng paglilipat-lipat mula sa orihinal na tumor, ito ay ayon sa bagong pagaaral ng Duke Cancer Institute. Mas madalas namamatay daw ang cancer cells dahil sa ferroptosis o stress ng pag-memetastize o pagkalat. Pero pwede nitong kayanin ang stress dahil naaayudahan ito ng kolesterol. #salikseeker #health